Naglabas ng anunsyo ang bansang Kazakhstan na pagbabawalan na nilang pumasok sa mga shopping center at restaurant ang mga hindi pa bakunado.
Ito’y para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa pamahalaan ng Kazakhstan, ang mga taong gustong lumabas para mamili o kumain sa labas ay kinakailangang magpakita ng ‘’green’’ status sa isang mobile app bilang patunay na bakunado na ito o negatibo sa COVID-19.
Epektibo ang panukala sa araw ng Sabado, Agosto 28.
Samantala, nagpaplano naman ang dating soviet republic na muling buksan ang eskwela sa susunod na buwan.
Nakapagtala ng kaso ng COVID-19 ang bansang Kazakhstan ng 823,189 COVID-19 cases at nakapagtala naman ng 8,643 na nangamatay sa virus.
Umaabot naman sa 5.1 milyong katao ang nabakunahan na sa populasyon ng bansang Kazakhstan.—sa panulat