Dapat gamitin ng gobyerno ang kapangyarihan nito para protektahan ang karapatan ng mga mamamayan sa halip na tapyasan ang kalayaan ng publiko.
Ito ang naging pahayag ng Commission on Human Rights o CHR makaraang magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko na sususpindihin nya ang Writ of Habeas Corpus.
Ayon kay Jacqueline De Guia, tagapagsalita ng CHR, hindi dapat gamitin ng gobyerno ang mga kritisismo sa pananakot para magdeklara ng isang rebolusyonaryong pamahalaan sa bansa.
Tungkulin anya ngayon ng mga pilipinong nagmamahal sa kalayaan ang maging alisto sa posibleng banta ng opresyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.