Kinumpirma ni Philippine Ambassador to U.S. Jose Babes Romualdez na ang hindi nakumpletong mga dokumento sa ilalim ng Confidentiality Disclosure Agreement (CDA) ang naging dahilan sa nabulilyasong suplay ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine sa bansa ng Pfizer.
Sinabi sa DWIZ ni Romualdez na matagal na naghintay ang Pfizer sa CDA na dapat ay napirmahan kaagad para siguradong naka secure ng 10-million dose ng Pfizer vaccine ang Pilipinas.
Ipinagmalaki ni Romualdez na ang Pfizer vaccine ang maituturing na pinaka-epektibong bakuna kontra COVID-19.
Gayunman, ipinabatid ni Romualdez na hindi naman ito malaking problema dahil ilang buwan lamang made-delay ang suplay ng Pfizer vaccine sa bansa dahil mayroon nang nakakuha sa slot ng Pilipinas.
Mayroon pa naman aniyang dalawa pang bakuna na maaaring kunan ng suplay ng bansa.
Yes we can get vaccine from Pfizer pero delay lang,” ani Romualdez. —sa panayam ng Santos at Lima sa 882