Pinanindigan ng pamunuan ng Honda Cars Philippines ang pagsasara ng kanilang planta sa Laguna.
Ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, ikinatuwiran ng Honda Cars na nalulugi sila at hindi na globally competitive kaya’t kailangan nang isara ang kanilang operasyon sa bansa.
Sinabi sa DWIZ ni Bello na iginigiit naman niya sa pamunuan ng Honda Cars ang pagbibigay ng tatlo hanggang anim na buwang notice sa mga empleyado nito hinggil sa estado ng kumpanya para naman nakapaghanda ang mga ito.
Hindi naman aniya niya maintindahan ang paliwanag ng Honda Cars sa tunay na dahilan nang pagsasara ng planta nito.
Ang sinasabi ko naman, sana binigyan nila ng sapat na panahon ‘yung kanilang mga manggagawa para naman nakapghanda sila, hindi ‘yung pabigla-bigla nalang. Dapat binigyan man lang ng konting panahon, like 1 month notice hanggang sa mga 3 or 6 months,” ani Bello. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas
Honda Japan nagpasya na ipasara ang planta nito sa Laguna
Ang pamunuan ng Honda Cars sa Japan ang nagpasya para isara ang planta ng kumpanya sa Laguna.
Ito, ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, ang sinabi sa kaniya ng pamunuan ng Honda Cars Philippines matapos niyang kausapin ang mga ito.
Ipinabatid sa DWIZ ni Bello na hindi naman nila maaaring kuwestyunin ang dahilan ng Honda Cars sa pagsasara ng kanilang operasyon sa Pilipinas.
Ang sabi ay ‘yung Honda Japan ang nagdesisyon na magsasara sila dahil sabi nga nila na hindi na raw globally competitive. Hindi naman natin pwedeng kuwestiyunin ‘yung kanilang dahilan,” ani Bello. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas