Inamin ng Land Transportation Office o LTO na hindi nila epektibong maihahatid sa tamang oras ang serbisyo sa publiko.
Ito’y makaraang ipag-utos ng Commission on Audit o COA na huwag nitong bayaran ang kanilang supplier sa mga driver’s license cards.
Ayon kay LTO Chief Alfonso Tan, tali ang kanilang kamay sa kautusan ng COA kaya’t hindi nila mababayaran ang Amalgamated Motors Philippines na siyang nagsuplay sa kanila ng license cards sa loob ng 20 taon.
Binigyang diin pa ni Tan na nagkaroon ng direktiba ang DOTC noong 2006 at 2007 na bayaran ang kanilang suplayer kahit walang kontrata base sa quantum merit arrangement.
Ibig sabihin, kaliwaan ang naging bayaran sa pagitan ng ahensya at ng suplayer.
By Jaymark Dagala