Walang magiging epekto ang hindi pagdalo ni Indonesian President Joko Widodo sa gagawing Asia Pacific Economic Cooperation o APEC Summit.
Inihayag ito ng palasyo kasunod ng abisong ipinadala ni Widodo sa Department of Foreign Affairs o DFA.
Ayon sa APEC National Organizing Council, may ipadadala namang kinatawan si Widodo kaya’t mapakikinggan naman ang lahat ng usaping matatalakay sa nasabing pulong.
Samantala, kinumpirma na rin ng Malakaniyang ang hindi pagdalo ni Russian President Vladimir Putin.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abegail Valte, mismong ang Russian President ang tumawag kay Pangulong Noynoy Aquino para ipaabot ang kaniyang mensahe.
Naiindintihan naman ani Valte ng Pangulo ang biglaang pagbabago sa iskedyul ni Putin dahil sa nangyaring aksidente sa Russian Airliner na kailangan nitong tugunan.
Sa huli, sinabi ni Valte na nagpaabot ng pakikiramay ang Pangulong Noynoy Aquino sa mga nasawi sa nasabing trahedya.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)