Dismayado si Los Angeles Lakers Guard Jordan Clarkson sa hindi pagkakasama sa final 12 ng Gilas Pilipinas na sasabak sa FIBA Asia sa China.
Mismong si Clarkson ang nagpahayag na sobra siyang dismayado na hindi makapaglaro para sa Gilas.
Nabatid na walang clearance na ibinigay ang FIBA para makapaglaro si Clarkson bukod pa sa inatasan ito ng Lakers management na mag-report for training camp sa September 28 o matapos lamang ang unang bugso ng tournament.
Sobrang saya naman si Asi Taulava sa pagkakasama niya sa top 12 at tiniyak na gagawin nito ang lahat para masungkit ng Pilipinas ang kampeonato sa FIBA Asia.
Samantala, inamin naman ni dating Gilas Captain Jimmy Alapag na dismayado siya sa hindi pagkakasama sa final 12 dahil sa kaniyang quad injury.
Subalit tiwala aniya siya sa bagong team na may malaking tiyansang mag kampeon sa FIBA at umabot sa Rio Olympics sa susunod na taon.
Balik-ensayo ngayong araw na ito ang Gilas Pilipinas.
By Judith Larino