Hindi pa naipapa-deport si Wang Bo, ang puganteng Chinese, sa kabila ng utos ni Justice Secretary Leila de lima.
Ipinaliwanag ni Immigration Commissioner Sigfreid Mison, na ito ay upang matiyak na agad mapapaharap sa mga posibleng imbestigasyon, ang suspek.
“Si Mr. Wang Bo ay nandoon po sa aming holding facility sa Bicutan, hiniling nga po ni Sec. de Lima yung pag-deport sa kanya ngunit dun din po sa order ni Mam ay ipina-hold in abeyance po yung implementation dahil baka kailanganin po si Mr. Wang Bo sa anumang imbestigasyon.” Ani Mison.
Binigyang diin din ni Mison na kaya hindi nila agad isinakay sa kasunod na flight pabalik ng China si Wang, ay dahil hiniling ng China ang pagtu-turn over sa suspek sa kanila.
“Bago po siya pumasok, lumalabas po na sumulat na po yung embahada sa amin na wanted nga po si Mr. Wang Bo kabilang na ang kanyang 3 pa atang kasama, na-intercept po natin at nag-request na po yung embassy na i-turn over sa kanila, ginawa ko po yun nang sa gayun ay ma-turn over po talaga siya sa Chinese Government.” Pahayag ni Mison.
By Katrina Valle | Sapol