Itinuturing ni national security expert Professor Rommel Banlaoi na magandang indikasyon ang hindi na pagpapalawig pa ng martial law sa Mindanao.
Subalit sinabi ni Banlaoi na kailangan pa ring pag-aralan ang resulta ng lifting ng martial law sa Mindanao, bagamat nangangahulugan itong maibabalik na sa normal ang sitwasyon at operasyon sa mga lokal na pamahalaan sa rehiyon.
Binigyang diin ni Banlaoi na kaya namang harapin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang banta ng terorismo sa Mindanao sa pamamagitan nang pinaigting na intelligence gathering.
Aminado naman si Banlaoi na magpapatuloy ang banta ng terorismo sa bansa lalo pa’t ang paggamit ng juvenile suicide bombers ang taktika ngayon ng mga teroristang grupo.
Sa katunayan aniya ay iniwan ng mag-asawang Indonesian na suicide bombers ang tatlong anak nila sa bansa na nadoktrinahan na at sinanay na maging suicide bombers.