Inanunsiyo ng Land Transportation Office (LTO) na nangunguna ang hindi pagsusuot ng seat belt sa traffic violation ng mga motorista noong nakaraang taon.
Ayon kay Atty. Roberto Valera, Deputy Director at Spokesperson ng LTO Law Enforcement Service, ang Violation of the Seat Belts Use Act ang top traffic infraction mula 2016 at pawang mga public utility vehicle drivers ang karaniwang violators ng nasabing batas.
Nabatid na nakapagtala ang ahensya noong 2021 ng 110,399 violations sa seat belt law.
Samantala, nagpaalala naman ang opisyal sa publiko na requirement sa front-facing passengers ng Public Utility Vehicles (PUVs) at private vehicles ang pagsusuot ng seat belts.