Hindi na dapat ikagulat pa ang hindi pagtanggap ng China sa iginiit na arbitral ruling ng Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Ayon kay Professor Jay Batongbacal ng UP Maritime Institute, ang panggigiit naman ng pangulo sa arbitral ruling ay upang ipakita lamang na pinapakinggan nya ang opinyon ng publiko na dapat nyang ipaglaban ang napanalunang ruling ng Pilipinas sa international arbitral tribunal.
Sinabi ni Batongbacal na ang dapat antabayanan ay kung paano gagamitin ng pangulo ang arbitral ruling para makakuha ng concession sa China pagdating sa joint development.
Well, syempre ang susunod na hakbang niyan dahil nga parang pinakita lang ng Pilipinas na hindi siya bumibigay pagdating doon sa arbitration decision, so from there magmove na to discussions sa mga proposal na, kunwari itong mga joint development na ito, titignan natin ngayong papaanong matutuloy yon sa kabila nung pagpipilit pa rin nung dalawang panig nung kanilang mga kondisyon. So, kailangan may maghanap ng solusyon,” ani Batongbacal.
Samantala, kumbinsido si Batongbacal na hindi sagot sa problema sa agawan ng teritoryo sa South China Sea ang binubuong code of conduct ng mga bansang mayroong inaangking teritoryo.
Ratsada Balita Interview