1 sa bawat 5 bata sa buong mundo ang maituturing na “entirely excluded from education” o hindi nabibigyan ng pantay na opurtunidad sa edukasyon.
Ito’y batay sa United Nations Educational Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa paglulunsad ng 2020 global education monitoring report.
Ayon kay Stefania Giannini, Assistant Director General for Education ng UNESCO, maituturing itong diskriminasyon kung saan naapektuhan nito ang kapasidad para matuto ang milyon-milyong mga bata at ang maganda sanang kinabukasang nakalaan para sa kanila.
Sinabi ni Giannini na marami ang pagsubok para magkaroon ng maayos na edukasyon ang maraming kabataan.
Kabilang na aniya rito ang climate change, conflict, displacement, teknolohiya at ang nararanasan ngayong pandemya bunsod ng COVID-19.
Samantala ayon naman kay Dr. Shahbaz Khan, Director at kinatawan ng UNESCO-Jakarta, dapat paghandaan ng mga bansa ang susunod na hakbang para sa edukasyon ng mga bata pagkatapos ng pandemya.