Nagsalita na si Cong. Lord Allan Velasco sa umuugong na balita hinggil sa di umano’y kudeta sa House of Representatives.
Ayon kay Velasco, malayo sa katotohanan ang mga kumakalat na balita na ang layunin lamang anya ay paghati-hatiin ang mga miyembro ng Kamara.
Cong. Lord Allan Velasco, pinabulaanan na may “coup plan” siya laban kay Speaker Alan Peter Cayetano | via @JILLRESONTOC https://t.co/YMrMaWMJmW
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) February 27, 2020
Sinabi ni Velasco na wala syang planong sirain ang pinasok nilang kasunduan ni House Speaker Alan Peter Cayetano na paghatian ang termino bilang house speaker.
Sa ilalim ng 15-21 deal sa house speakership, mauupo bilang house speaker si Cayetano hanggang Oktubre ng taong ito, samantalang tatapusin ni vVelasco ang natitira pang panahon bilang house speaker. —ulat ni Jill Resontoc (Patrol 7)