Itinanggi ni Cebu Congressman Raul Del Mar ang di umano’y namumuong kudeta sa House of Representatives para mapatalsik bilang House Speaker si Allan Peter Cayetano.
Ayon kay Del Mar, inirerespeto ng mga kongresista ang naging kasunduan sa pagitan nina Cayetano at Cong. Lourd Allan Velasco na paghahatian nila ang termino bilang speaker ngayong 18th Congress.
Una nang sinabi ni Cayetano na kung meron mang gustong manawagan na magbitiw sya sa puwesto, dapat ay gawin nila ito sa plenaryo.
Idinagdag pa ni Cayetano na handa syang umalis bilang House Speaker kapag ayaw na sa kanya ng mayorya ng mga kongresista.
Umugong ang di umano’y namumuong kudeta sa Kamara dahil sa pagmamatigas ni Cayetano na huwag munang talakayin ang franchise bill para sa ABS-CBN.