Natalisod ng National Bureau of Investigation (NBI) ang di umano’y planong pag atake ng Abu Sayyaf sa Metro Manila.
Itoy makaraang maaresto ng NBI sa Quiapo, Maynila ang isang miyembro ng Abu Sayyaf na di umano’y nangunguna sa paglalatag ng planong pag-atake.
Kinilala ang suspek na si Anwar Sabarul Mohotoh na pamangkin di umano ng napatay na lider ng Abu Sayyaf na si Isnilon Hapilon at miyembro ng Abu Sayyaf Quiapo cell.
Una nang naaresto ng NBI ang isang kinilalang Julmain sa Culiat Quezon City na may mga nakabinbing kaso ng kidnapping at serious illegal detention kaugnay sa pagdukot sa isang miyembro ng Jehovah’s Witness noong 2002.