Pinalawig ng PhilHealth ang dialysis coverage nito, mula 90 ay naging 144 sessions na ito hanggang sa ika-31 ng Disyembre.
Ayon kay PhilHealth President Dante Gierran, kaagad silang magpapalabas ng guidelines para sa pagpapalawig ng dialysis coverage na una nang inaprubahan ng Board of Directors.
Dahil dito, ipinag-utos ni Gierran sa lahat ng regional offices at kinauukulang healthcare facilities na patuloy na kilalanin ang lahat ng availment sa lampas 90 session-limit depende sa prescription ng doktor.
Inabisuhan din ang mga pasyente na nagbayad sa kaniyang hemodialysys sessions na magfile ng claims sa pinakamalapit na PhilHealth office.
Una nang lumutang ang mga sumbong na ilang private clinics ang sumusuway sa PhilHealth policy hinggil sa kawalan ng limit sa dialysis sessions habang nasa state of calamity ang bansa hanggang ika-31 ng Disyembre dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.