Isang 11 buwang sanggol at isang siyam na taong gulang na bata ang nasawi dahil sa diarrhea outbreak sa Tanza, Cavite.
Ayon kay Dr. Ruth Punzalan, Municipal Health Officer ng Tanza, apektado ng outbreak ang Calibuyo, Punta 1 at Sahud Ulan.
Ani Punzalan, dinala sa ospital ang mga biktima subalit pumanaw din ito kinabukasan dahil sa matinding dehydration.
Sa datos ng Cavite Health Office, naitala ang 20 diarrhea cases noong Oktubre.
Batay aniya sa kanilang imbestigasyon, nabatid na sa pitong water sources sa Tanza, lima dito ang kontaminado.
Kaugnay nito, binigyan na ng tulong ang mga apektadong komunidad upang magkaroon ng malinis na tubig.
Samantala, maliban aniya sa diarrhea outbreak ay may naiulat rin na dalawang kaso ng cholera sa lugar.—sa panulat ni Hya Ludivico