Iimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang dahilan ng diarrhea outbreak sa Quezon Province.
Ayon sa DOH, tinamaan ng diarrhea ng ilang miyembro ng indigenous dumagat tribes sa lalawigan kung saan 36 na ang naiulat na kaso kabilang ang 6 na nasawi dahil sa severe dehydration mula Setyembre 26 hanggang Oktubre.
Sinabi naman ni Ariel Valencia, Regional Director ng DOH CALABARZON na marami ang namamtay dahil hindi agarang nadadala ang mga pasyente sa mga primary health care facilty para ma-diagnose.
Samantala, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa Integrated Provincial Health Office upang magpaabot ng tulong.
- sa panunulat ni Hannah Oledan