Kasalukuyang bumibili ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng satellite broadband connectivity para sa free wifi project ng gobyerno.
Ito ang inihayag ni chairman at CEO Kalvin Parpan ng Stellarsats Solutions Inc., isang registered internet service provider sa bansa.
Aniya, ito ay para ibigay sa geographically isolated disadvantageous areas o walang internet sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Parpan na isa sa pinaka-importanteng bagay na ginagawa ng kanilang departamento sa proseso ng procurement ay ang availability
Ng lahat ng teknolohiya na makukuha ng pamahalaan bilang opsyon.
Pero, nilinaw niya na limitado ang terms of preference na inilabas ng departamento para sa pagbili ng naturang teknolohiya na sa kanilang paniniwala ay hindi makakatulong sa gobyerno dahil sa end-users o sa mga tao.