Asahan na ang mabilis na internet connection at ang pagbaba sa singil nito bago matapos ang taon.
Sinabi ni Department of Information and Communications Technology o DICT acting Secretary Eliseo Jr. na nakikipag-ugnayan na sila sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP at National Transmission Corporation para maisakatuparan ang proyekto.
Paliwanag ni Rio, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig kaugnay sa paggamit ng tinatawag na ‘dark fiber’ o ang kable na ginagamit para sa mas mabilis na internet connection.
Dagdag pa ni Rio, sa oras na malagdaan ang proyekto ay asahan nang magiging mas mabilis ang pag-connect sa internet kahit nasa malalayong lugar.
Maliban dito, bababa na rin aniya ang singil sa internet connection at hindi na kailangang dumipende sa dalawang higanteng telecommunication companies sa bansa.
—-