Nagbanta si Department of Information and Communications Technology Secretary Eliseo Rio Jr. na magbibitiw sa puwesto kung idadaan sa auction ang pagpili ng ikatlong telecommunications company sa bansa.
Ayon kay Rio, nangangamba siyang hindi maibibigay sa mga subscriber ang pinakamagandang klase ng serbisyo kung matutuloy ang auction.
Posibleng aniyang ipasa ng mapipiling telco player ang magiging gastos nila sa auction.
Tinukoy ni Rio na hindi dapat maging batayan ang presyo sa papasok na telco bagkus ay ang alok nitong coverage, internet speed, capital at operational expenditure ng kumpanya.
Kabilang umano sa mga nagsusulong na magkaroon ng auction ay si Finance Sercretary Carlos Dominguez III.
—-