Nanindigan si MMDA Acting Chairman Atty. Romando Artes na walang iregularidad sa pag-transfer ng ilang bahagi ng pondo ng Department of Information and Communications Technology sa MMDA.
Tugon ito ni Artes sa pahayag ni Northern Samar 1st District Rep. Paul Daza na iligal ang paglipat ng DICT sa mahigit P3billion a pondo para sa implementasyon ng national broadband project sa MMDA.
Gayunman, nilinaw ng MMDA official na P.1 billion lamang ang natanggap nila at mayroon silang hawak na resibo.
Hindi naman din anya ipinagbabawal sa batas ang fund transfers normal na itong gionagawa sa iba’t ibang government agencies, kabilang ang MMDA.
Idinagdag pa ni Artes, na nagkaroon na sila ng dayalogo noon kay dating DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic hinggil sa fund transfer para sa implementasyon ng ilang programa.
Nagpasaklolo anya si Caintic sa MMDA para sa implementasyon ng kanilang broadband project dahil mayroong low budget utilization rate ang DICT noon.