Hinimok ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang mga entity na magparehistro sa rapid pass system nang bultuhan o maramihang registration.
Ito, ayon kay DICT Secretary Gregorio Honasan, ay sa gitna na rin nang pagdagsa ng mga application hinggil sa rapid pass.
Sinabi ni Honasan na para mapabilis ang pagproseso ng application, hinihikayat nila ang lahat ng government, private at business entities na nasa essential services na irehistro ang kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng bulk application.
Ang tinutukoy ni Honasan ay ang rapid pass sytem na isang virtual identification system na naglalayong matiyak ang mabilis na pagdaan sa mga checkpoints ng frontliners at iba pang indibidwal na exempted mula sa enhanced community quarantine.