Iginiit ng Department of Information and Communications Technology o DICT na hindi na-revoked ang prangkisa ng Filipino-Chinese consortium na Mislatel.
Ito ang inihayag ni DICT Acting Secretary Eliseo Rio matapos sabihin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na kinansela na ang franchise ng Mislatel dahil sa kabiguang masunod ang mga kondisyon.
Sa Facebook post ni Rio, sinabi nitong “far from the truth” o malayo sa katotohanan ang pahayag ng opposition senator.
Base aniya sa naging sagot ng kongreso sa liham na ipinadala sa kanila ng National Telecommunications Commission o NTC noong pre-qualification period, hindi napawalang bisa ang prangkisa ng Mislatel.
Ayon kay Rio, maari lamang ma-revoked ang prangkisa sakaling maghain ang estado ng qou warranto petition laban sa Filipino-Chinese telcos.
Natanggap ng Mislatel ang congressional franchise to operate sa Mindanao noong 1998, ngunit hindi umano ito nakapag-operate ng halos isang dekada dahil sa isyu ng peace and order sa rehiyon.