Kinumpirma ng Department of Information and Communications Technology o DICT na China Telecom Corporation Limited ang sinasabing ikatlong telecom player ni Pangulong Rodrigo Duterte na papasok sa bansa.
Sinabi ni DICT Acting Secretary Eliseo Jr. na nais ng Pangulong Duterte na masigurong maayos ang papeles at dapat dumadaan sa Competitive Commission ang China Telecom para masigurong makakasunod ito sa batas at walang mangyayaring hokus-pokus.
Ang China Telecom ang isa sa pinakamalaking telecommunications company sa China kung saan hawak nito ang 16.8 percent ng market share o katumbas ng mahigit 200 milyong mobile subscriber sa kanilang bansa.
Matatandaang si Pangulong Rodrigo Duterte mismo ang nag-alok sa China na pumasok sa local telecom industry sa Pilipinas nang magtungo ito sa China.
—-