Puspusan na ang pagkilos ng DICT o Department of Information Communication and Technology para masolusyunan ang mga naging problema sa paggamit ng vote counting machines hindi lamang nitong nakalipas na May 13 elections kundi maging sa halalan noong May 2016.
Tinukoy sa DWIZ ni DICT OIC Eliseo Rio ang mga insidente ng over voting nitong nakalipas na eleksyon partikular ang mahigit isang milyong botante na hindi nabilang ang mga ibinotong senatoriable gayung wala namang nag reklamo na hindi pumasok ang kanilang mga ibinoto matapos masakamay ang resibo mula sa VMCs.
Mas masaklap aniya ang nangyari noong May 2016 vice presidential elections.
“Ito ang masaklap, noong 2016 ang vice president na nanalo is only about 2,000 lamang doon sa second so ang sabi ng system, 2 million ang either hindi nagboto sa vice president or not boto ng dalawa or mas marami sa dalawa so dapat yung susunod na eleksyon, ay mawala na itong pagka over voting by making the ballot full proof na hindi ka pwedeng magka boto more than what is required.”
Tiniyak din ni Rio ang pagtutok sa usapin ng transparency sa mga naipasok sa balota sa vote counting machines.
“Tayo ay umaasa lang sa pagsubo natin ng ating balota sa VCM tapos, tapos na. VCM ang magbibilang lahat ng balotang nakasubo sa kanya pero walang makakita, COMELEC man o mga tao yung nagboto, hindi nila alam pano binilang ng makina yung total ng nakasubong balota. Kung meron tayong paraan na makita yon eh di syempre doon natin makita “aba, ang dami palang hindi nag over vote sa senator”, pero bakit walang lumalabas na ganyan?”
(Ratsada Balita interview)