Inamin ng DICT o Department of Information and Communications Technology na mahirap ipatupad ang panukalang iparehistro ang lahat ng prepaid sim cards.
Ayon kay kay DICT Undersecretary Eliseo Rio, umaabot sa mahigit isandaang (100) milyon ang prepaid sim cards ang kailangang iparehistro sakaling maisabatas ang panukala ni Senador Sherwin Gatchalian.
Ihalimbawa ni Rio ang pagpaparehistro ng mahigit sa limampung (50) milyong mga botante na inabot ng halos tatlong taon.
Kumbinsido rin si Rio na hindi rin epektibo ang pagpaparehistro ng prepaid sim cards para maiwasan ang paggamit ng cellphone sa krimen kung hindi ito sasabayan ng pagsasabatas ng national ID system.
“Kasi kung hindi naman tayo nakakasigurado sa mga identification ng mga nagre-register eh hindi rin gaanong effective, kung ang ating objective is to prevent the use of unregistered sim cards for criminal activities, yung telco talagang sinusubaybayan nila lahat ng sim card na iniisyu nila, doon sila kumukuha ng income nila, kung nagamit ang isang sim card at hindi nila alam ang pangalan, aalamin nila ang number at yun ang babawasan nila ng load.” Pahayag ni Rio
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
DICT may alinlangan sa panukalang sim card registration was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882