Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na kakulangan sa budget at kawalan ng manggagawa ang dahilan na pumipigil upang hindi makapagpatayo ng isang Government Data Center.
Ito ang sinabi ni DICT Undersecretary David Almirol Jr. ang naturang suliranin nitong Martes kasabay ng pagdinig ng Senate Finance Committee para sa P 7.23-B proposed budget ng ahensya sa 2023.
Aniya, mababa rin ang sahod ng mga IT kaya’t walang nananatili sa mga ito.
Samantala, kung maitatatag aniya ito, mapag-iisa na ng Government Data Center ang lahat ng impormasyon sa buong Pilipinas malayo sa kasalukuyang sistema na kalat-kalat at hindi organisadong information systems.