Posibleng sa labas ng Pilipinas nagmumula o source ng mga personalized text scams o unsolicited text messages.
Ayon ito kay DICT Undersecretary Alexander Ramos kaya’t nakikipag usap na sila sa kanilang international counterparts hinggil sa paglaganap ng text scams sa bansa.
Sinabi ni Ramos na nais nilang matukoy mula sa kanilang counterpart sa ibayong dagat mula sa record ng mga ito hinggil sa posibleng IP address ng destination servers na sangkot sa text scams.
Sinisilip na rin aniya nila ang mga personalidad na bumibili ng maraming sim cards para ma-trace kung saan nagmumula ang text spams.
Una nang inihayag ni Ramos, Executive Director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center na nag imbestiga na ang National Privacy Commission hinggil sa mga server na napasok ng hackers subalit wala silang nakita.