Nakikipag-ugnayan na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa ibang bansa para masugpoang scam text messages na kumakalat ngayon sa Pilipinas.
Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy, nakikipagtulungan din ang cybercrime investigation coordinating center sa Philippine National Police’S Cybercrime Group, National Bureau of Investigation at National Telecommunications Commission hinggil sa naturang isyu.
Noong Hunyo ay milyon na umano ang na-block na ‘smishing’ na mensahe ng ilang telco firms, ito ay ang mga mensahe na target na makuha ang iyong personal na impormasyon.