Binigyang-diin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mahalagang bahagi ng sim registration ang selfie verification upang maiwasan ang posibilidad na ipagbili ang mga pre-registered na sim card.
Sa harap ito ng pangamba ng grupong Junk Sim Registration Network na maging banta sa data privacy ng mga mamamayan ang selfie verification.
Ipinaliwanag naman ni DICT Undersecretary Anna Mae Lamentillo na ang selfie verification ay karagdagang mekanismo at nakatutulong para maiwasang magamit ang mga sim sa anumang uri ng panloloko.
Disyembre 27 nang simulan ang sim card registration na tatagal ng hanggang 180 araw.
Samantala, batay sa datos ng DICT, nasa 17-M na ang nairehistrong sim card. —sa panulat ni Hannah Oledan