Kumpyansa si DICT Secretary Ivan John Uy na handa na ang bansa sa pagsasagawa ng internet o online voting.
Ito, anya ay dahil sa kakayahan at accuracy ngayon ng identity verification system tulad ng biometrics, finger scanning at digital signature.
Gayunman, sinabi ni Sec. Uy na mainam lamang na maipatupad ito sa mga overseas at absentee voters.
Matatandaang inaprubahan ng Commission on Elections ang electronic o internet voting para sa Overseas Filipino Workers sa national at local elections sa 2025.