Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na magkaroon ng 100% internet connectivity ang lahat ng bahay sa Pilipinas.
Ayon kay Dict undersecretary Eliseo Rio, bahagi ito ng paghahanda para sa new normal kung saan hindi lamang trabaho kun’di maging ang edukasyon ay maaari nang gawin habang nasa bahay.
Aminado DICT na nangungulelat ang Pilipinas sa mga karatig na bansa pagdating sa internet connection dahil wala pang 20% ng mga bahay sa Pilipinas ang konektado sa internet.
Importante na ho, nakita na ho ng lahat ng ating kababayan na importante pala na may internet connection —sa trabaho, sa pag-aaral, sa lahat ho ng transaksyon, kasi itong pandemic, itong COVID-19 ay nagpakita ho sa atin na lahat ng nagagawa natin sa physical word ay pwede rin palang gawin sa virtual word through the internet kung may online connectivity po tayo,” ani Rio.
Upang maabot ang mga malalayong lugar na hangang ngayon ay walang internet connection, sinabi ni Rio na gagamitin nila ang mga cable operators na nagkakalat na sa maraming panig ng bansa.
Ayon kay Rio, may inihahanda silang pakete ng mga insentibo para sa mga cable at small telco operators upang mapababa ang gastos ng mga ito at maging mura o abot kaya ang halaga ng internet connection sa mga liblib na lugar. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas