Target ng DICT na makapag isyu ng COVID-19 vaccination certificate sa unang bahagi ng Setyembre.
Ang nasabing certificate ayon kay DICT Undersecretary Emmanuel Caintic ay nakabatay sa mga panuntunan ng World Health Organization (WHO) at kikilalanin sa ibang bansa.
Sinabi ni Caintic na magbubukas ng online portal ang DICT para makita ng publiko ang vaccination details na kung tutugma sa mga impormasyon sa database ng gobyerno, kaagad maipapalabas ang inoculation certificate.
Nasa ikatlong linggo na aniya ang local government sa pagsasanay para matulungan ang kanilang constituents na mayruong mga concern o problema hinggil sa vaccination certificate.
Tiniyak ni Caintic na ang data para sa certificates ay protektado ng private ecryption at pangangasiwaan ng DICT at DOH.