Matapos iuwi ang best actor at audience choice awards mula sa Tokyo Film Festival noong nakaraang buwan, napili rin ang pelikulang “Die Beautiful” ni Jun Lana para sa isang ‘surprise screening’ sa Toronto International Film Festival sa Canada noong Nobyembre 20.
Ipinalabas ang pelikula sa Reel Talk section ng Toronto fest kasama ang ‘Trumpland’, ang inaabangang documentary ng Oscar-winning filmmaker na si Michael Moore.
Sa isang interview sinabi ng isa sa mga artistic director ng film fest na si Cameron Bailey na matapos nilang malaman na nakasungkit ng 2 award ang ‘Die Beautiful’ sa Tokyo fest ay agad nilang hinanap ito para maipakita sa kanilang audience.
Una nang ipinalabas sa Toronto ang isa pang Jun Lana film na ‘Bwakaw’ noong 2012.
Sinabi ni Bailey na interesado silang makita ang mga bagong pelikula ni Lana.
Idinagdag nito na nagustuhan ng mga manonood ang performance ni Paolo Ballesteros sa pelikula na gumanap na isang transgender at tinawag itong ‘moving’ at ‘inspiring’.
Sa panig naman ng direktor nitong si Jun Lana, sinabi nitong isang magandang simula para sa pelikula na makilala sa ibang bansa.
Aniya, mas excited na siyang maipakita ang ‘Die Beautiful’ sa Pinoy audience.
Kasama rin ang ‘Die Beautiful’ sa 21st International Film Festival sa Kerala India, at isa sa 8 entries sa Metro Manila Film Festival.
WATCH Trailer Here: