Sinagot ng Actor-Model na si Diego Loyzaga ang pambabash ng mga netizen matapos nitong itanggi na mayroon silang namumuong relasyon ni Franki Russell.
Nabatid na tila hindi nagustuhan ni Diego ang naging komento ng kaniyang mga basher na mabilis siyang magpalit ng karelasyon na parang pagpapalit lang ng damit.
Agad rumesbak ang aktor at sinabi na kailangan talagang magpalit ng damit ng isang tao dahil baka amagin at mabutas ito kapag inabot ng isang taon.
Matatandaang spotted ang dalawa na magkasama sa isang resort, kung saan mabilis na kumalat sa social media ang larawan na magkalapit ang mga mukha at nakaakbay ang aktor kay Franki.
Ayon kay Diego mananatili siya bilang isang single at kaniya munang uunahin ang kaniyang career bago muling pumasok sa isang relasyon.