Nagkaloob ang United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF) ng limampung (50) mga portable at digital classroom learning package sa mga paaralan sa Samar at Northern Samar.
Ayon sa UNICEF, ang bawat package ay binubuo ng projector, isang teacher laptop, limang tablet para sa mga estudyante, isang DVD player, USB memory drive at isang pocket wifi.
Inaasahang mapapakinabangan ang naturang school-in-a-bag package ng 2,500 mga estudyante ng malalayong baryo ng naturang mga probinsya.