Inatasan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang Departments of Migrant Workers at Information and Communications Technology na iprayoridad ang automation ng mga kontrata ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) kahapon, nais din ni Pangulong Marcos na magkaroon ng Overseas Employment Certifications (OECs) ang mga OFW sa kanilang mobile phones.
Ipaprayoridad din ang pagpapalawak ng proteksyon sa kapakanan ng mga filipino na nagta-trabaho sa ibang bansa sa pamamamitan ng pagputol sa bureaucratic red tape.
Tinawagan din ng pansin ng punong ehekutibo ang Department of Foreign Affairs (DFA) upang tulungan ang DMW na tiyaking makahahanap ng mga bagong oportunidad ang mga OFW na nawalan ng trabaho noong mga nakaraang taon.