Mas palalakasin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Digital cooperation ng Pilipinas sa United Kingdom (UK).
Sa naganap na pagpupulong nina DICT Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo at Laure Beaufils, ang Ambassador ng United Kingdom sa Pilipinas, layunin ng dalawang bansa na maisulong ang digital transformation initiatives para mapalakas ang cybersecurity, interoperability of cyber systems, cybersecurity capacity-building, programmatic support on cyber-security, satellite communications, at ang government cloud and big data.
Ayon kay Lamentillo, mayroon nang mahabang kasaysayan ng kooperasyon ang Pilipinas at UK na aabot sa mahigit 70 taon ng bilateral relations at hindi na mahirap ang salitang “pakikipagtulungan” para maprotektahan, mapa-unlad at mapalakas pa ang digitalization.
Sinabi ng opisyal na patuloy na nakikipag-ugnayan sa iba pang mga bansa ang DICT sa ilalim ng pamumuno ni secretary Ivan John Uy, para makakuha ng mas marami pang kaalaman ang bansa at mapahusay ang kasanayan sa iba pang mga hakbangin.