Nagsasagawa na ng digital forensic ang mga awtoridad upang alamin kung may kasabwat ang nadakip na suspect sa Kiefer Ravena scandal.
Ayon kay Superintendent Jay Guillermo, Spokesman ng PNP Anti-Cybercrime Group Division, nais nilang mabusisi kung totoo ang sinasabi ni Kristoffer Monico Ng, na ginamit lamang niya na pananakot ang bantang pagpapakalat ng hubad na larawan ni Ravena para makapangikil ng limampung libong piso (P50,000).
Sinabi ni Guillermo na posible ring gumamit si Ng ng pekeng accounts upang palabasin na hindi siya ang pinagmulan ng mga larawan ni Ravena.
Sinasabing ang hubad na larawan ng sikat na basketball star ay ipinadala niya sa isang babae na naka-chat niya sa internet.
“Yung nahuli natin, pinapasinungalingan niya na siya ang gumawa but yung digital evidence natin ay hindi kailan man magsisinungaling kasi he has the possession of that gadget, nandoon naka-save lahat ng information niya sa ginagamit niyang gadget, masasabi nating siya lang ang gumagawa.” Pahayag ni Guillermo
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)