Pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagbuo ng isang digital ID na magpapatunay sa isang indibidwal na ito ay nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, kumikilos na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para makabuo ng isang tinatawag na “common vaccination digital ID with QR code.”
Sa pamamagitan ng QR code na ito, malalaman ang brand ng bakunang itinurok sa isang indibidwal at ilang doses na ang natanggap nito at kailan.
Isa ang Pilipinas sa mga bansang humiling sa World Health Organization na bumuo ng standard protocol para sa pagkakaroon ng “common vaccine passport”.