Tinatrabaho na ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang pagbuo ng common digital ID na magpapatunay kung ang isang indibidwal ay nabakunahan na kontra COVID-19.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang nasabing digital ID ay mayroong QR code para sa bawat Pilipino.
Sa ngayon, ang mga lokal na pamahalaan ay nag-iisyu ng ID cards para sa mga residenteng nabakunahan kontra COVID-19
Una nang sinabi ni trade Secretary Ramon Lopez na maglulunsad ng digital COVID-19 vaccination ID ang pamahalaan.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico