Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangan nang simulan ang digitalization process sa bansa.
Ito’y matapos lumabas na pang-89 lamang ang Pilipinas mula sa 193 bansa sa larangan ng digital government landscape.
Ayon kay PBBM, nakatuon ang gobyerno sa pagsasakatuparan na gawing digital country ang Pilipinas upang hindi mapag-iwanan ng ibang bansa.
Nais din ng punong ehekutibo na mapaunlad ang digital infrastructire at regulatory framework for innovation at magkaroon ng katiyakan sa cyber-security.
Inihayag naman ng pangulo na ipapanawagan niya sa kongreso ang mabilis na pagpasa ng e-governance at e-government bills na maaaring i-consolidate na lamang para maging digital na ang mga transaksyon sa pamahalaan at burukrasya. - sa panulat ni Hannah Oledan