Pumalo sa 8.5 billion pesos ang transaksyong nai-proseso ng mga digital banks sa bansa sa unang kwarter ng taon.
Ito ay matapos maging fully operational ang maraming digital banks, matapos bigyan ng lisensya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier, ilan sa mga bangkong nag-umpisa na ng operasyon ay ang Gotyme Bank Corporation, Unobank Inc. at Aboitiz-Led Uniondigital Bank Inc.
Fully operational na rin ang Landbank of the Philippines, Tonik Bank, at Maya Bank ng PLDT Group.
Nakolekta sa mga ito ang 1.4 million pesos na tractions mula lamang Enero hanggang Hunyo.