Target ng pamahalaan na tuluyan nang tanggalin ang analog television sa taong 2023.
Ito ang inihayag ni DICT o Department of Information and Communication Technology Secretary Rodolfo Salalima kasabay ng isinagawang digital TV summit.
Ayon kay Salalima, tinatayang nasa 95 porsyento na ng mga kabahayan sa bansa ang may access na sa digital TV pagdating ng nasabing taon.
Kasunod nito, sinabi ni Salalima na tutulungan ng pamahalaan ang mga kabahayang wala pa ring access sa digital TV sakaling mangyari na ang inaasahan.
By: Jamark Dagala