Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Commission on Elections sa mga financial institution para mapigilan ang digital vote-buying.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Comelec Commissioner Ernesto Ferdinand Maceda na matagal naman na nilang katuwang ang ilan sa mga pangunahing online banking applications sa bansa kaya naglabas na ang mga ito ng advisory tungkol sa transaction limit.
Ayon kay Commissioner Maceda, maaaring ilabas ang transaction cap ilang araw bago ang halalan dahil sa tinatawag na “gapangan” ng mga kandidato.
Dagdag pa ng COMELEC Official na maaaring ituring na kahina-hinala ang digital cash transaction kung nagpadala ang isang mobile number sa iba’t ibang numero nang magkakaparehong halaga ng pera.
Nagpasalamat naman ang poll body sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa inilabas nitong memo sa mga bangko para hindi magamit ang kanilang institusyon sa pandaraya. —sa panulat ni John Riz Calata