Namemeligrong magkaroon ng kaguluhan o digmaan kapag hindi nasolusyunan ng gobyerno ang matinding kahirapan.
Ito ang ibinabala ni dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz.
Inihahalintulad ni Cruz ang sitwasyon sa isang bulkan na maaaring sumabog anumang oras bunsod ng aniya’y lumalawak na agwat sa pagitan ng mga mahihirap at mayayaman.
Giit ni Cruz, habang kumokonti ang mga nasa middle class ay lalo namang naghihirap ang mga dati nang mahihirap.
By Jelbert Perdez