Pinangangambahang sumiklab muli ang digmaan sa pagitan ng India at China sa oras na tumindi ang kanilang territorial dispute sa Himalayan border.
Magta-tatlong linggo na ang stand-off sa pagitan ng Chinese at Indian forces sa naturang lugar na nag-ugat sa itinatayong kalsada ng Chinese government patungo sa bansang Bhutan.
Iginiit ng Tsina ang pag-atras sa Himalayas ng mga sundalong Indian pero nagmamatigas pa rin ang India.
Inaasahang pag-uusapan naman ang nabanggit na issue sa oras na magkita sina Chinese President Xi Jinping at Indian Prime Minister Narendra Modi sa G-20 Summit sa Hamburg, Germany ngayong linggo.
By Drew Nacino
Pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng China at India pinangangambahan was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882