“Hindi maiiwasan ang digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina” sa West Philippine Sea hangga’t iginigiit ng Amerika sa China na itigil na ang mga aktibidad nito sa mga pinag-aagawang isla.
Ito ang ibinabala ng Chinese State-Owned Newspaper na Global Times matapos maghain ng reklamo ang Chinese Government laban sa Amerika dahil sa paniniktik ng isa nitong military aircraft sa ilang bahagi ng Spratly Islands.
Hinimok ni Chinese Foreign Ministry Spokeswoman Hua Chunying ang US na itama nito ang mga pagkakamali at iwasan ang mga irresponsableng pahayag at aksyon kaugnay sa territorial dispute.
Magugunitang walong beses binalaan at itinaboy ng Chinese Navy ang Boeing P-8 Poseidon Aircraft ng US matapos itong magsagawa ng surveillance flight sa paligid ng Kagitingan at Panganiban Reefs, noong isang Linggo.
By Drew Nacino