Dapat tulungan ng pamahalaan si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa kanyang pagharap sa paglilitis ng International Criminal Court.
Ito ang iginiit ni dating Senator Panfilo Lacson, ang second senatorial candidate mula sa alyansa para sa Bagong Pilipinas.
Ayon sa dating Senador, higit sa pagiging isang dating pangulo ng Pilipinas, Pilipino ang dating presidente na nakatakdang litisin sa International Court.
Hindi aniya dapat kalimutan ng pamahalaan ang obligasyon nito na suportahan ang lahat ng Pilipino, kahit na ang mga hinatulan o nahaharap sa kaso sa labas ng hurisdiskyon ng bansa.—sa panulat ni Laica Cuevas